4 months ago

Can you see the image formed?? This is the new attraction in RWSentosa. The shower show! Dancing fountain is now a thing of the “past”.

Can you see the image formed?? This is the new attraction in RWSentosa. The shower show! Dancing fountain is now a thing of the “past”.

4 months ago
EXCUSE ME, Can you please,…

(Mga Order ng mga customers na wala sa “tamang order”)

Ilang buwan pa ang nakakaraan noong ako ay teacher pa, sinasabi madalas sa aming mga meeting na pinupuntahan, sa mga symposium, seminars at mga makabagbag-damdaming gatherings sa kung saan-saang stadiums at parks (na kung saan ay nakakagutom at minsan may pakain din na mamanis-manis) na, “Saan ba nagmula ang mga doktor, nurse, engineer, lawyer, pilots, architect at iba pang nagtatayugang mga propesyon kundi sa atin, tayong mga guro ang kanilang pinagmulan!”. Wow, nakakaproud naman talaga. Eh di kami na. Kami na talaga! At nakikisigaw ako sa kagalakan kahit wala naman akong matres para masabing isa ako sa mga pinagmulan ng mga mamamayang nakatapos at matagumpay na na karamihan naman ay nasa abroad.

Pero, may ilan pa palang dialogue na aking kasasangkutan…
Mga dialogue na hindi lang nakakahigh kundi nakakawala ng ulirat at di ko mawari kung nagpapatawa ba, nambubwisit o sadyang wala lang..
“Sino ba sa atin ang hindi naging isang customer?”
Oh di ba kala ko teacher lang ang may karapatang magtaray, pati pala ang mga customers na kadalasan ay walang ginawa kundi magemote.

Nangingiti tuloy ako kapag naaalala ko ang mga panahon ako ay customer pa noong ako ay nasa Pinas. Ang pinakahilig kong kalampagin ay ang nagkalat na malls ng SM! Kahit saan may SM! Kulang na lang eh burain nila na may RP sa listahan ng mga countries sa mund at ilimbag na ang SM.. SM.. SM!

Every weekend, doon ang punta ko. Ikot sa mga sale, gala sa mga damitan, halukay-halukay- halukay. Kapag sinimangutan ng sales clerk, lalo kong hahalukayin! Bakit hindi eh parang kinakalaykay ang pagmumukha ng mga babaeng parang sinuntok ang pisngi sa pamumula at hindi mo maunawaan kung sa children’s party ba ang punta o sa Star City?!

Kapag nanawa na ko, sa foodchain naman mambwibwisit. Derecho sa counter at manghihingi ng tissue o kung anuman ang nais kong bilhin. May angas pa ng konti ah kahit wala namang binili hahahaha…

Tapos punta na agad sa sinadya ko, ang pagcocomplain sa Sun Cellular. Doon ko sa kanya (kung sinumang customer service representative ang nakaassign) ibubuhos ang 100% pwersa ko. Minsan dinederecho ko sila, “Hindi mo ba ko naiintindihan? Nagtatagalog naman ako?! Makinig ka muna dahil hindi ko maintindihan ang point mong pointless!”

MONTHS AFTER…

CUSTOMER AKO at ngayon, Customer din sila. Jaraaaaan!!!!
Banat ko sa interview, “Lahat tayo ay customer, kaya natural lamang na nauunawaan natin kung ano ang kailangan ng isang customer na dapat tugunan.”

Aba, syempre, hangang-hanga ang nag-iinterview sakin. “Being a degree holder is a plus but to respond accordingly in customer service environment doesn’t require any diploma— just common sense.” Pasok sa timba! Presto! Ikaw ba naman ang maging tao na ipinaglihi ata sa lugaw, tokwa at DILA eh hindi tumamis ang pananalita mo??

Pero nung nandito na ako sa mundo ng paninilbihan, iba pala… Masisira pala ang common sense mo sa mga “nakakabaliw” at “uncommon” na tanong ng mga demanding na customers…

Minsan, isang maulang hapon, sabi ng customer:
C: excuse me… Hello.
Me: yes mam (sabay ngiti kahit binuwisit ako ng manager ko) anything I can do for you?
C: uhm just want to ask if your juices are cold?
Me: yes mam.
(Eto na bumanat na si gaga..)
C: uhm do you have warm juices?
(nag-init ang ulo ko)
————————————————————
Me: would that be all sir?
(after a while pagkadeliver ng orders nila)
C: Hey you! What’s this? Sendit back to the bar. I dont want this.
Me: may i know the reason sir?
C: how come that you send me a cold Old Specledhen??
(my Gosh saan ba sya nakatikim ng Old Speckledhen na mainit??? Buset)

————————————————————-
Minsan ang mga customers gagawin ang lahat makalibre lang.
Ito ang ilan sa mga pamatay nilang questions o request:

Excuse me, I want to know how old is your beef?
(hahha teka poiinterviewhin ko lang ang mga baka sa New Zealand)
2. How do you cooked your pan seared snapper?
( sabi ko eh di pan seared! Napahiya si mokong)
3. Hi can you make lychee mint without ice?
(ano kaya yun? Pano nya kaya iinumin? Lagyan ko kaya ng nagbabagang uling?)
4. Uhm your apple cider is made of what?
(sa pulbura malamang!!! Gawa sa pulbura! Kaasar!)
5. How big is your mini burger?
(extra mini!! Ano ba yan)
6. Your capuccino doesnt taste like coffee!
(natural!)
7. Where’s the cutleries?
(ayan po nasa harap nyo!)
8. Can you slice the spaghetti for me?
(grrrr ang sarap tadtarin!)
9. Can we change this item on the set lunch?
( juice ko kaya nga set lunch, nakaset na! Boba)

Ang mga crew na nakikita natin sa restaurants, napakadaling utusan, mandohan, requestan kasi naibibigay nila ang mga demands natin at gagawin nila yun sa ayaw at gusto nila kahit pagod na silang pagsabay-sabayin ang pagtake ng orders, pagkakaha, paghahain, pagliligpit, pagbati at pagasikaso sa mga bagong dating, pagtakbo, pagwalis, paglalampaso kasabay ng walang upuan sa loob ng 12 oras!
Kaya naman kahit kami mismong mga serbidor, sa sobrang pagod, taranta at kakakausap sa mga demanding at napakareklamador na customers eh di maiwasang magkamali na rin:

Pumasok sa kusina ang tarantang serbidora.

Serbidora: excuse me chef i have a question?
Chef: yes?
Serbidora: what part of the chicken is the hot wings?
—- natulala kaming lahat
Hahahahhahaha
—-pinapatanong daw ng customers

5 months ago

SG$ 218.42 is equivalent to more or less 7,300 in Philippine peso. 
This is the end of the month due for electricity and water services in Singapore. 
Imagine, combination na yan ng water and electricity ng isang flat (unit) na may 2 kwarto at gumagamit ng mga sumusunod:
1. Almost 6 smartphones
2. Ipad and 5 laptops
3. 2 aircondition
4. Vacuum cleaner
5. Iron
6. Rice cooker
7. Wifi
8. 42 in. Television
9. Microwave oven
10. Speakers
11. 4 electric fans
12. Front load washing machine
13. Refrigerator
14. Water heater
15. Doorbell
16. Xbox, Magic Sing, Cable box
17. And chandelier

Naaalala ko pa nung nasa Pinas ako way back 2007 (na mas mura pa ang kuryente), pag inuutusan ako na magbayad na ng bills sa tinutuluyan kong bahay noon, electricity bill pa lang eh umaabot na ng 7,500 pesos pwera pa ang halos 900 pesos na bayad sa tubig (na hindi naman mainom dahil marumi). Sa pagkakatanda ko, gumagamit kami sa bahay noon ng:
1. 1 aircon na gabi lang nila binubuksan at pinapatay agad
2. 2 electric fan
3. Flat iron
4. TV
5. DVD/CD Player
6. Refrigerator
7. Laptop
8. Wifi
9. Washing machine
10. Chargers
At ang pagtitipid ay abot-abot hanggang langit. 
Kung susumahin, kung ibabawas sa isang trabahador sa Pilipinas ang kanyang electric bill at water bill kada buwan, halos 60-65% ng sahod nito ang matatapyas!
Samantalang dito, kung ibabawas sa isang regular sa trabaho na tagarito ang kanyang pinagsamang water at electricity bill ay nasa 20% lang ng kanyang kabuuang sahod!

Sa isang napakahirap na bansa, at mga trabahador na napakaliit lamang ng mga sinasahod, bakit napakataas ng mga commodities/services na dapat ay naaafford ng kahit pinakamaliit na tao sa lipunan?? At alam na alam naman natin na ang bansa ay ubod ng yaman pagdating sa lupain, pagkukunan ng pagkain, lalo na sa mga mahahanging dalampasigan at mga talon na kaylalakas ng agos na maaaring pagkunan ng enerhiya o kuryente??

Gayong itong isang bansa na salat sa likas na yaman at pagkukunan ay mas nakapagbibigay ng kasiya-siya at makatwirang serbisyo sa kanyang mga mamamayan??

WHAT WENT WRONG?

SG$ 218.42 is equivalent to more or less 7,300 in Philippine peso.
This is the end of the month due for electricity and water services in Singapore.
Imagine, combination na yan ng water and electricity ng isang flat (unit) na may 2 kwarto at gumagamit ng mga sumusunod:
1. Almost 6 smartphones
2. Ipad and 5 laptops
3. 2 aircondition
4. Vacuum cleaner
5. Iron
6. Rice cooker
7. Wifi
8. 42 in. Television
9. Microwave oven
10. Speakers
11. 4 electric fans
12. Front load washing machine
13. Refrigerator
14. Water heater
15. Doorbell
16. Xbox, Magic Sing, Cable box
17. And chandelier

Naaalala ko pa nung nasa Pinas ako way back 2007 (na mas mura pa ang kuryente), pag inuutusan ako na magbayad na ng bills sa tinutuluyan kong bahay noon, electricity bill pa lang eh umaabot na ng 7,500 pesos pwera pa ang halos 900 pesos na bayad sa tubig (na hindi naman mainom dahil marumi). Sa pagkakatanda ko, gumagamit kami sa bahay noon ng:
1. 1 aircon na gabi lang nila binubuksan at pinapatay agad
2. 2 electric fan
3. Flat iron
4. TV
5. DVD/CD Player
6. Refrigerator
7. Laptop
8. Wifi
9. Washing machine
10. Chargers
At ang pagtitipid ay abot-abot hanggang langit.
Kung susumahin, kung ibabawas sa isang trabahador sa Pilipinas ang kanyang electric bill at water bill kada buwan, halos 60-65% ng sahod nito ang matatapyas!
Samantalang dito, kung ibabawas sa isang regular sa trabaho na tagarito ang kanyang pinagsamang water at electricity bill ay nasa 20% lang ng kanyang kabuuang sahod!

Sa isang napakahirap na bansa, at mga trabahador na napakaliit lamang ng mga sinasahod, bakit napakataas ng mga commodities/services na dapat ay naaafford ng kahit pinakamaliit na tao sa lipunan?? At alam na alam naman natin na ang bansa ay ubod ng yaman pagdating sa lupain, pagkukunan ng pagkain, lalo na sa mga mahahanging dalampasigan at mga talon na kaylalakas ng agos na maaaring pagkunan ng enerhiya o kuryente??

Gayong itong isang bansa na salat sa likas na yaman at pagkukunan ay mas nakapagbibigay ng kasiya-siya at makatwirang serbisyo sa kanyang mga mamamayan??

WHAT WENT WRONG?

6 months ago
ENGLISH ME

iEnglishin ko na ang status ko mula ngayon…
“I will English my status start now.”

Nakakatawa at siguro kung nasa Pilipinas ako, humagalpak na ako at pati ang mga kaibigan ko sa ganitong construction.


Nung nakarating ako sa ibang bansa, ganun pala talaga! Ang iniisip mong mali ay magiging tama at ikaw na tama ang waring mali.

Ayon sa kasaysayan, isa sa mga mananakop na dumating sa ating bansa ang mga Amerikano. Hindi lang sila basta dumating, niyakap pa ng maraming mga Pilipino ang maraming bagay at gawi mula sa kanila na sa ayaw at gusto mang aminin ng maraming mga Pilipino ay nakinabang tayong lahat. Lalo na sa sistema ng Edukasyon.

“I speak in American way”. Yan ang punung-puno ng pride na sinabi ko sa kanila habang nandito ako sa bansa na British colony. Oo nga maraming pagkakaiba, sa bigkas ng mga titik, sa tunog at sa spelling. Ibang-iba — ang mga Briton ha, ibang-iba. Para kang nanonood ng Harry Potter Live kapag kausap mo sila. Parang gustong tumulo lahat ng dugo sa lahat ng butas ng katawan ko. Pero paglilinaw, mga European lang ha?

How come ah?
Done already.
Almost finish.
Can clear all lah?
You have first.
Give me sky juice.
Take away (take out sa atin)
Go back!*** (means uuwi na hahaha)
***thanks Lany sa dagdag na info

Yan ang mga banat ng mga local naman dito na nung una, hindi ko maintindihan kung hahagalpak ako or what. Ngunit hindi sila mangmang, yun yun. Ang punto eh, yun ang kanilang pamamaraan. Naintindihan naman di ba? So dito mag-eenglish ka as long as nagkakaintindihan.

Sa kabila ng below level grammar, lahat English ang way of communication. Pasok sa International Standards ang kanilang system of Education.

Pambansang Wika? Hindi issue dito yan. MagEnglish tayo basta’t masigla ang ekonomiya, may ilalaman sa sikmura at disente ang buhay.

Sayang lang at hindi ko maiquote ang isang nabasa ko kamakailan na article na nagsasabing sayang nga lang ang Pilipinas. Maraming marunong mag-English nang tama, maraming likas na yamang maiagmamalaki, friendly ang mga tao.. Pero ano ang kulang? Alam ko, alam natin lahat ang kulang.

Hindi masamang mag-English. Noon, parang krimen sa Pinas kapag nag-english ka. Lahat titingin sayo. Para bang ang may karapatan lang na magsalita ng ganoon ay yung mga nasa airconditioned o nakakapag-aircon.

Nakakatuwa ang pagmamahal ng ating bansa sa sariling wika..hanep. Punta ka sa mga probinsya, hindi naman nagsasalita sa wikang pambansa ang mga tao..bihira. Punta ka sa mga gusali ng pamahalaan, pangalan pa lang English na. Mag-apply ka ng trabaho, may application form ba na purong nasa wikang Filipino? At ilan ang may cellphone? Nasa wikang Filipino ba ang cellphone?

Konting kembot at harap lang sa katotohanan, kailangan nating pagbutihin ang paggamit ng banyang wikang English dahil sa totoo lang bahagi ito ng ating pangaraw-araw na buhay. Magmula sa shampoo, mga tetra pack, kinakain, sinasakyan at marami pang iba. Kailangan ibalik ang husay ng mga Pinoy sa lenggwaheng ito at makasakay muli sa byahe ng pag-asenso.

Pag-asenso hindi dahil sa yayaman kang bigla kapag marunong kang mag-English kundi mas makakaharap tayo nang mas madali sa mga hamon ng pagbabago, industriyalisasyon, ng pangingibang-bayan at higit sa lahat at mas magiging epektibo ang pakikibahagi natin bilang mamamayan ng Pilipinas sa usaping may kinalaman sa ating pamahalaan upang tayo ay HINDI NA NILA MALOKO—- k a i l a n m a n.


“I personally believe we developed language because of our deep inner need to complain.”
Jane Wagner

8 months ago

Beef Lasagna for my main course.. The spinach in between makes the taste unique. Yung tipong di nakakasawa. Better than any pasta that I’ve tried here in Singapore. Yummy.

Beef Lasagna for my main course.. The spinach in between makes the taste unique. Yung tipong di nakakasawa. Better than any pasta that I’ve tried here in Singapore. Yummy.

Corn Chowder Soup as my starter. Hmmmm i think im already full hahahaha

Corn Chowder Soup as my starter. Hmmmm i think im already full hahahaha

8 months ago
gurOFW 2

Pagpapatuloy…

Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin ang mga nakaraan. Kung gaano kabuti ang Diyos sa akin. Nakatatak sa aking alaala ang lahat.. Nang minsang may isang bata na nag-uusisa sa kanyang abalang ina.

Sabi ng nanay ko noon, gusto nya raw na “Christian” sana ang ipangalan sakin kaso hindi yun ang gusto ng aking tatay. Ang diumano’y natatandaan niya, siya ay “caesarian” nung ako ay ipapanganak. Dahil sa ganong sitwasyon, napilitan syang dalhin sa Fatima Hospital sa Valenzuela. May pampaanak naman daw kaso ang aking magaling na tatay ay nagsugal pa rin. Nanalo naman sya. Kaya ayun, may sobra pa sya sa pambayad sa ospital at dahil sa sugal na sabong, binigyan nila ako ng palayaw alinsunod sa laban na “derby”. Ikinabit din sa akin ang kanyang pangalan kaya ako ay naging si Godofredo Velasco Jr. noong August 21, 1985.

Ayon sa ilang nakatatanda at nakasaksi sa aking kabataan, napakadaldal ko daw na natatandaan ko naman.

Sa aking pagkakatanda, ipinanganak ako sa sitwasyon may pinagkukunan ng kabuhayan ang pamilya. Mayroon kaming sariling bakery, manukan at babuyan. Pinauupahan pa ang ilang bahagi ng aming tahanan sa Navotas. At ako, isang paslit na Lola’s boy. Hindi pwedeng kantiin at laging sumbong ng sumbong!

Paborito ko ang tocino, itlog na pula at mainit naming tinitindang pandesal habang mayroong kape’t gatas. Nagtitinda ang nanay ko ng ice candy.

Sa gulang na 4, maghapon, wala akong ginawa kundi humarap sa TV. Manood ng balita, mangarap na maging newscaster, dumede ng kape (dahil hindi nagbibigay ng pera ang tatay ko sa nanay), maglaro at kuhanin ang mga teks (gamecards) ng kuya ko at inisin sya hanggang sa sapakin nya ko at magkapaluan sa bahay!

Masaya kahit nakamulatan ko na ang tatay ko ay may dalawa nang anak sa una. Masaya ako kasi may nanay ako at may tunay na kapatid. Nagsisimba kami sa Bangkulasi, namamasyal sa bukid (sa Daanghari, Navotas), kumakain sa Kadiwa, naliligo sa dagat, namamasyal sa bayan atbp. Ngunit di ko akalain na sa murang edad ay babawiin sa aming magkapatid ang lahat…

At nagsimula iyon nang mamatay ang aking ina.

Sa araw-araw, walang ginawa si ina kundi abutan ako ng chalk at pagsulatin sa malaking blackboard na dinelehensya nya para sa akin. Doon, masigla nyang itinuturo sa akin ang paraan kung paano ko mapapaganda ang aking handwriting. Sa mabilis at madaling paraan, natutunan ko iyon na parang naglalaro lamang. Siguro, factor na rin na si nanay ay isang guro. Hindi nga lang nagamit ang propesyon dahil seloso si tatay.

Sulat ako. Layas naman ang hobby ni kuya. Nagpipitik at nagbebenta.
Sulat ako habang si nanay ay naglalaba, namamalantsa, nagluluto, naghuhugas ng pinggan at mga ginamit sa bakery, nangunguha ng kaning baboy, nagpapakain ng baboy, naglilinis ng kulungan ng mga manok, nagtitinda, gumagawa ng ice candy, nag-aalaga sa akin, pakakainin kaming magkapatid. Whew… Ang dami nyang ginagawa sobra. Kahit paslit pa lang ako noon, alam ko.. Hindi hirap si nanay, hirap na hirap!!!
Eh nasaan ang magaling kong tatay???

Itutuloy….

8 months ago
Buhay gurOFW 1

“Uy, wag mo kong kakalimutan ha? Size 8 hehehe..”

25 anyos na ko nang pagbigyan ng langit ang kahilingan kong makapag-abroad. Aba, sino ba naman ang ayaw eh gayong bata pa lang ako at namumulot ng mga lata, bote at plastik sa mga basurahan sa kanto ay tingalang-tingala na ko sa langit at nangangarap na makasakay sa higanteng bakal na ibong sa pelikula ko lang nakikita! Sa pagdaan ng mga taon kasabay ng aking maturidad, isang teorya lang para sa akin ang buhay ng mga nangingibang-bayan o OFW. Maganda daw dun, masarap daw dun.. ibang-iba ang buhay pero walang malinaw na kwento kung masaya ba overseas.

Aminado ako na mahirap magtrabaho sa Pilipinas kahit sabihin na nating napakabait sa akin ng Dios dahil napakaraming pabor ang dumarating sa buhay ko nang matapos ko ang kolehiyo. Sabi nga sa akin ni ate Tess, inaani ko na raw ang bunga ng aking pagtitiyaga at PAGTITIMPI. Ngunit tuwing umaga, ginigising ako ng isang buhay na bangungot na nagsasabing pasasaan ang pag-uubos ko ng lakas sa pagtatrabaho sa Pinas gayong ni isang “rights” lang na bahay ay hindi ako makakabili? Samakatuwid, maraming hinihingi ang trabaho ngunit kulang ang ibinibigay…

Mainam pa rin na may trabaho ako. Nakaipon ako ng malaki-laki as in. Yun nga lang hindi para maipambili ng bahay para makapamuhay ng disente (dahil imposible yun) kundi ipamuhunan papuntang abroad.

Abroad na alam ko kung saan pero wala akong ideya kung ano ang mayroon.

Hunyo 17 nakarating ako dito sa Singapore. Sa ikalawang pagkakataon, nakatuntong ako sa “Fine City” na nangangahulugan ng dalawa: Lungsod ng mga Multa o maraming bawal at Lungsod na Mainam. Magaan talaga ang kalooban ko. Sa lahat ata ng nangibang-bayan, ako ang pinakamasaya. Walang homesick dahil wala naman akong kinalakihang pamilya at walang halong pagsisisi (eh ano naman kung mamatay ako dito? May aapela ba para sakin?)

Araw-araw, gabi-gabi, kausap ko si Tatay (ang Dios Ama) na kakampi ko sa lahat ng takbo ng buhay ko. Ipinagkatiwala ko sa kanya ang lahat.. At ipinagpapasalamat ko na binigyan nya ako ng mga kaibigan, katrabaho sa Pinas na nagmamahal sa akin na parang isang pamilya.. Kahit paano talagang tumataas ang moral ko hindi para umasenso lang kundi para mabuhay.

Itutuloy…

1 year ago

Ikaw, nasaang stage ka na ba?

1 year ago

Very Good meal (maybe dinner) with my dear friend Margot…
Thank you very much. 
Nagulat ka man pero namiss ko kasi ang tickling mong pagtawa!!!
Bwahahahaha…
Happy Easter.. :)

Very Good meal (maybe dinner) with my dear friend Margot… Thank you very much. Nagulat ka man pero namiss ko kasi ang tickling mong pagtawa!!! Bwahahahaha… Happy Easter.. :)

KWARESMA

2 ng madaling-araw.

Singputla ng Byernes Santo ang pakiramdam ko ngayon. Nagising ako sa piling ng unan ng pag-iisa. Kinukumutan ako ng pangungulila. Parehong-pareho sa matamlay na turing sakin nang nakaraang gabi.

Ikatlo na pala ng hapon nang ako ay namulat. Kasabay ng panaghoy ng mga ipinapako sa krus at pagkamatay ng Mesias, pinapatay ako ng mga sandali.

Tinungo ko ang palikuran. Sinubukan kong maligo ngunit sa kabila ng pag-agos ng malamig ng tubig ay damang-dama ko ang mga maiinit na salit ng pagtulo sa magkabila kong mata. 1 oras din iyon. Matagal-tagal pero sa katapusan, hindi pa rin nito nahugasan at natupok ang apoy ng kalooban.

Nilapatan ko ang sarili ng sapat na ayos. Lumingon sa salamin. Di nito maikubli ang laman ng damdamin. Umaalpas sa mga guhit ng mukha at malamlam na mata ang mga mukha ng pinagdaraanan.

Kailangan. Ngayon na.

Sumakay ako. Gabi na. Hindi ko alam kung saan. Hindi ko alam kung pano. Kung saan ako dadalin. Katulad ng naranasang pagwawalang-bahala, ako na mismo ang nagkusa na ipataw ito sa sarili.

Nang tumingala ako, Cubao na pala iyon. Sa ganap na ika-1 ng madaling-araw, kadiliman ng paligid ang tumambad sa akin. Higit na nakakatakot ngayon ang anyo ng lungsod kaysa dati. Higit itong nakakakilabot kaysa Malaysia. Para akong nawalan ng seguridad sa sariling bayan. Para akong hindi rito isinilang.

Malakas ang hatak ng Kwaresma. Walang sasakyan. Madalang ang ilaw… Madalang ang tao.

Sumakay ako sa isang van. May binanggit akong lugar. Maluwag ang kalsada nang mga oras na iyon. Ganito pala ang anyo ng kalunsuran sa mga panahong ganito. Parang pinagmultuhan.. Wari bang ang mga tahanan ay animong mga libingan na tumatawag sakin at nag-aabot ng hilihilerang kasawian. Nang ako’y matauhan. Napuna ko na nasa lugar na kong hindi pamilyar. Sabi ng drayber ay pamontalban na ako. Nagitla ako. Bumaba sa lugar na hindi alam sa alanganing oras ng gabi. Walang katao-tao. Walang sasakyan. Wala dahil nawawala na pala ako.

Higit kong nadama ang pag-iisa.

Isang taxi ang naligaw sa aking paningin. Pinara ko ito.

Wahahhahahhahaha… Wahahahhaha… Ito ang namiss kong tawa. Narinig ko na rin sa wakas. Nahimasmasan ako sa tawa na iyon at sa tawag ng isang kaibigang nagmamalasakit..

Doon ko napagtanto na ang ginawa ko ngayong gabi ang pinakadelikadong paglalagalag na aking ginawa. Tsaka ko naisip ang mapeligro na aking byaheng ginawa na hindi ko na naidetalye pa kanina.

“ano ka ba, di ka nag-iisa..” Salamat. Salamat.

1 year ago
What tech gadget do you want to buy next?

always looking forward to have a laptop with 10+++ hrs. battery life…

Anything except lovelife

1 year ago

GMA7 bags the Bronze medal for Music Video Category in the recent 54th New York Festival in United States.. I think this Patriotic Video deserves positive feedback.

Keep it up Kapuso.

1 year ago
Revenge is like an ice cream. It is best served when it is cold. Cite Arrow Katrina (Babaeng Hampaslupa)
1 year ago

para daw sa mga gurong pakialamero/ pakialamera?


Chalk Board theme